Home NATIONWIDE Panukala sa mas malakas na proteksyon, benepisyo sa media workers, isinusulong sa...

Panukala sa mas malakas na proteksyon, benepisyo sa media workers, isinusulong sa Kamara

220
0

MANILA, Philippines – Isinumite sa House of Representatives ang isang panukalang batas na naglalayong palakasin ang karapatan, kaligtasan, at benepisyo ng mga media workers sa buong bansa.

Ang House Bill No. 7431, o Media Personnel Protection and Welfare Act, ay inihain nina Ako Bicol Party-list Representatives Jan Almario Chan at Alfredo Garbin Jr..

Saklaw nito ang mga reporters, field correspondents, photojournalists, camera operators, editors, producers, at lahat ng kasangkot sa news gathering at dissemination.

Ayon sa explanatory note ng panukala, maraming Filipino media workers ang may mababang kita, kadalasan ay mas mababa sa minimum wage, lalo na sa mga regional at community newsrooms. Mataas din ang panganib sa kanilang trabaho, tulad ng conflict reporting, disaster coverage, crime assignments, o health emergencies, na kadalasang walang hazard pay, protective equipment, o insurance.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng media personnel ay may karapatan sa sweldo o professional compensation hindi bababa sa legal na minimum wage; Kailangang i-enroll ang lahat sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG, at remit ang contributions ng tama at sa oras; Magkakaroon ng death benefit na hindi bababa sa ₱200,000, permanent disability insurance hanggang ₱200,000, at medical expense reimbursement hanggang ₱100,000; Lahat ng engagements, regular man o freelance, ay dapat may written contract na malinaw ang compensation, duties, at safety provisions; at dapat ring siguraduhin ang insurance coverage ng freelancers sa buong duration ng kanilang assignment, at hikayatin silang maging miyembro ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Layunin nitong protektahan at tiyakin ang kapakanan ng media workers habang naglilingkod sa publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here