Home NATIONWIDE Panukalang magbibigay ng mas malawak na benepisyo sa mga senior aprub sa...

Panukalang magbibigay ng mas malawak na benepisyo sa mga senior aprub sa Kamara

MANILA, Philippines- Sa 177 botong pabor, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 11400 na nagpapalawig sa benepisyong nakukuha ng senior citizens sa ilalim ng 20% discount.

Sa oras na maisabatas, makakakuha na rin ng 20% diskuwento ang senior citizens sa kanilang online, offline, direct o indirect, first o third-party medium sa kanilang pagbili ng medicines, food supplements at vitamins, health professional fees, golf and country clubs, transport network vehicle services (TNVS) at toll fees sa skyways o expressways.

Makakatanggap din sila ng 15 percent discount sa kuryente at tubig basta ang konsumo ay hindi tatas sa 200 KWH electricity at 50 cubic meters na tubig, kailangan din na ang billing statement ay nakapangalan sa senior citizen.

Nasa 8.5 percent special discount din ang ibibigay sa pagbili ng basic necessities at prime commodities sa supermarkets.

Exempted na rin sa parking fee ang mga senior gayundin sa color-coding scheme basta lamang sa kanila ang sasakyan na ginagamit. Gail Mendoza