Home HOME BANNER STORY DQ vs BH party-list tuluyang ibinasura ng Comelec

DQ vs BH party-list tuluyang ibinasura ng Comelec

235
0

MANILA, Philippines- Naglabas na ng certificate of finality ang Commission on Elections (Comelec) para ibasura ang apela ng petitioner na idiskwalipika ang Bagong Henerasyon Partylist.

Sa desisyon ng Comelec En Banc, inilabas na ng komisyon ang Certificate of Finality and Entry of Judgement na may petsang June 5, 2025.

Nangangahulugan na ang desisyon ng Comelec ay ‘final and executory’ dahil walang inilabas na temporary restraining order ang Korte Suprema sa loob ng limang araw mula nang magdesisyon ang Comelec En Banc.

Wala pang itinakdang araw kung kelan ipoproklama ang BH Partylist na nakakuha lamang ng isang pwesto sa Kamara. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here