Home HOME BANNER STORY Panukalang “no work, no pay” sa mga kongresista, suportado ng mga solon

Panukalang “no work, no pay” sa mga kongresista, suportado ng mga solon

222
0

MANILA, Philippines – Patuloy na umaani ng suporta sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na “no work, no pay” sa mga kongresista na isinulong ni House Mjority Leader Sandro Marcos.

Binigyang diin ni Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah San Fernando na ang House Bill 7432 o mas kilala bilang “No work, no Pay for Members of Congress Act” ay suportado niya dahil kung sa mga ordinaryong Pilipino na hindi pumapasok sa trabaho ay siguradong walang sahod.

“Kapag ang ordinaryong manggagawa hindi pumasok, ‘matik na walang sahod. Kapag na-late naman makakaltasan, at pag nag-OT (overtime), kadalasan walang OT pay. Bakit kapag Members of Congress umabsent, na-late, o hindi nagrereport sa opisina e buo pa ring nakukuha ang sahod at benepisyo? What makes us so special? Dapat i-apply ang nararanasan ng ordinaryong manggagawa sa mga halal na opisyal,” giit pa ng kongresista.

Ito aniya ay pagpapakita na seryoso ang Kamara na magpatupad ng mga reporma at pagbabago sa hanay ng mga mambabatas.

“Ang suweldo namin ay galing sa buwis ng taumbayan, kaya dapat lang na may kapalit itong aktwal na trabaho at presensya. Simpleng prinsipyo lang ito ng fairness at accountability na matagal nang hinihingi ng publiko. Kung gusto nating maibalik ang tiwala ng tao sa Kongreso, kailangan naming ipakita na hindi kami exempted sa pamantayang sinusunod ng karaniwang manggagawa,” sinabi pa ni San Fernando.

Kasabay nito ay nanawagan din si San Fernando sa kaniyang mga kasamahang mambabatas na pumasok at magtrabaho.

‘Wala akong nakikitang rason na hindi ito suportahan ng mga kasamahan sa Kongreso. Mga kasama, pumasok at magtrabaho po tayo!”

Bukod kay San Fernando ay nagpahayag din ng suporta ang “Young Guns” sa Kamara na nagkomentong dapat ay matagal na itong panukala naipatupad bilang pagbibigay proteksyon sa mga tax payers, mapagtibay ang accountability at mapanumbalik ang tiwala ng publiko sa Kamara.

Sinabi ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union na “bill addresses a basic issue of fairness, stressing that public funds must only be released when public service is actually rendered.”

Sa panig naman ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ang panukalang “no work, no pay” sa miembro ng Kamara ay isang paraan upang ang mga mambabatas ay makahalintulad din sa mga ordinaryong Pinoy na nagtatrabaho.

“The proposal places lawmakers under the same standards observed by ordinary Filipino workers.  If this principle applies to workers nationwide, it should apply even more to those crafting the laws,” ani Adiong.

Ayon naman kay Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales, ang panukalang nabanggit ay pagpapakita lamang ng disiplina sa hanay ng mga mambabatas.

“This is not about punishment – it is about professional discipline in lawmaking,” giit naman ni Khonghun. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here