MANILA, Philippines – Nagkasundo ang mga lider ng Kamara na ibalik sa Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang ₱6.7-trilyong 2026 national budget dahil sa mga mali at iregular na entry.
Ayon kay Deputy Speaker Ronaldo Puno, kailangang “muling gawin” ang budget proposal upang maiwasan ang hinal ng anomalya. Binanggit niya ang zero allocation para sa multi-year programs at pondo para sa mga proyektong tapos na.
“There have been been many concerns raised by our party leaders so we have decided as a group to recommend the return of the 2026 national budget to the DBM because we do not know how to deal with it,” ani Puno, chairman ng National Unity Party, sa isang joint press conference kasmaa ang Lakas-CMD, Nacionalista Party and Nationalist People’s Coalition.
Ipinunto rin ni Deputy Speaker Paolo Ortega ang ₱2.5 milyong alokasyon para sa dalawang classroom building sa La Union na natapos na.
Una nang iniutos ni Pangulong Marcos ang masusing pagsusuri sa budget upang alisin ang mga kuwestiyonableng probisyon. RNT