Home METRO Basurero na may negosyong pautang sa katrabaho, butas-bungo sa Cebu

Basurero na may negosyong pautang sa katrabaho, butas-bungo sa Cebu

283
0

MANILA, Philippines – Isang garbage collector na kilala ring nagpapautang sa mga katrabaho ang napatay matapos barilin sa noo sa Barangay Pangdan, Naga City, Cebu.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada habang papasok siya sa material recovery facility kung saan siya nagtatrabaho.

Nawawala umano ang kanyang kwintas, dalawang bagong biling cellphone, at dalawang bag na may pera na aabot sa mahigit ₱30,000.

Patuloy na nangangalap ng CCTV footage ang mga awtoridad para matukoy ang mga salarin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here