MANILA, Philippines – Ipinadala na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang P7.2 trillion national budget na inihanda ng Department of Budget and Management (DBM).
At dahil ang National Expenditure Program (NEP) ay nasa kamay na ng House committee on appropriations, magdaraos na ito ng pagdinig para himayin ang funding ng bawat ahensiya.
Ang executive branch ang naghanda ng NEP, ang Kongreso at Senado ang magrerepaso at magpapahintulot na maging General Appropriations Bill ito at ang Pangulo ang pipirma upang maging ganap na batas ang General Appropriations Act.
“The budget focuses on education, healthcare, livelihoods, security, and strengthening communities,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,
Nagkaisa naman ang Gabinete ni Pangulong Marcos na sang-ayunan ang ‘then-undisclosed NEP’ para sa 2027 noong Hulyo 10.
Ang inaprubahang halaga na P7.2 trillion ay nakahanay sa halagang ipinanukala ni Pangulong Marcos sa Kongreso nang magpulong ang mga mambabatas para sa second regular session nito
Ito’y P407 billion o 6 porsiyento na mas mataas kaysa sa P6.793-trillion national budget para sa 2026. (KRIS JOSE)