Home HOME BANNER STORY Panukalang pagbabawal sa bago, taas-buwis sa 2026, isinusulong sa Kamara

Panukalang pagbabawal sa bago, taas-buwis sa 2026, isinusulong sa Kamara

174
0

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang House Bill 8660 o Tax Relief Act of 2026 na naglalayong ipagbawal ang bagong buwis o taas ng kasalukuyang buwis sa buong 2026.

Ayon kay House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, mananatili ang kasalukuyang rate ng pambansang buwis hanggang Disyembre 31, 2026. Ang mga bagong pambansang buwis na nakatakdang ipataw sa 2026 ay ipagpapaliban hanggang Enero 1, 2027.

Kasama rin sa panukala ang moratoryo sa bagong lokal na buwis at pagtaas ng lokal na buwis, at pagtigil sa ilang real property tax hikes batay sa updated Schedules of Market Values sa ilalim ng RA 12001.

“When families, workers, farmers, transport operators, enterprises, and local communities are already absorbing the effects of an external fuel shock, government should avoid imposing or allowing additional tax burdens that may further raise prices and deepen economic pressure,” paliwanag si Suarez.

Hindi saklaw ng panukala ang mga taxpayer relief measures, exemptions, o non-tax regulatory measures.

“The purpose of this measure is to provide breathing space during an exceptional year marked by overlapping cost burdens, while preserving the broader framework of public finance,” aniya.

Itinatakda rin ng panukala na dapat matiyak ang tuloy-tuloy na pondo para sa mahahalagang health programs na suportado ng excise tax. Kailangang magsumite ang DOF, DBM, DOH, at PhilHealth ng planong pinansyal sa Kongreso sa loob ng 30 araw mula sa bisa ng batas.

Umabot na sa P100 kada litro ang presyo ng langis ngayong linggo dahil sa labanan sa Gitnang Silangan matapos ang joint US-Israel Operation Epic Fury noong Pebrero 27 laban sa Iran. Inaasahan ang panibagong mega price hikes sa susunod na linggo.

Nagbigay na ng subsidy ang gobyerno para sa public transport sector, at naghihintay pa rin ng pirma ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang batas na magbibigay kapangyarihan sa kanya na suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here