Home HOME BANNER STORY Panukalang pagdiskwalipika sa mga kandidato sa ‘bastos’ na pahayag inihain sa Kamara

Panukalang pagdiskwalipika sa mga kandidato sa ‘bastos’ na pahayag inihain sa Kamara

MANILA, Philippines- Isinusulong sa Kamara ang panukalang naglalayong idiskwalipika ang mga kandidatong magsasabi ng “sexist” at nakaiinsultong mga komento sa kanilang kampanya.

Nilalayon ng House Bill 11498 “to ensure that those who aspire to lead the country do not use platforms of power to perpetuate discrimination, but instead uphold the principles of equality. inclusivity, and human dignity.”

“Ang mga bastos at mapanghamak na pananalita laban sa kababaihan ay hindi dapat maging kalakaran sa ating pulitika. Dapat may pananagutan ang mga kandidatong gumagamit ng plataporma upang magpalaganap ng diskriminasyon, lalo na sa kababaihan at LGBTQ,” pahayag ng may akda ng panukala na si Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

“This bill is not only a legal measure but a statement that women’s dignity is non-negotiable in our political landscape. We are sending a clear message that sexist remarks, objectification, and discriminatory behavior have no place in democratic discourse,” dagdag niya.

Inihain ang panukala matapos sitahin ang ilang kandidato para sa Eleksyon 2025 dahil sa kanilang “misogynistic remarks” sa kanilang campaign sorties.

Kabilang sa kanila ay si Pasig congressional candidate Christian Sia na mayroon nang dalawang show cause orders mula sa Commission on Elections (Comelec) at isa mula sa Supreme Court matapos ang kanyang umano’y “biro” ukol sa single mothers at pahayag niya ukol sa kanyang babaeng staff.

Dumepensa naman si Sia sa kanyang pahayag sa single moms, sinabing ito ay biro lamang.

“Sana po sa mga kapwa ko Pasigueño, ang biro ay manatiling biro. Hindi po ba? At ang seryosong bagay, wag mo haluan ng biro,” ani Sia.

Gayundin, inisyuhan ng Comelec si Misamis Oriental Governor Peter Unabia ng show cause order matapos sabihing ang nursing scholarships ay para lamang dapat sa magagandang kababaihan, sa kanyang campaign rally.

“Misogynistic acts and remarks by public figures, especially those aspiring for public office, erode the values of respect, equality, and dignity upon which a just and democratic society must stand,” saad sa panukala.

“Such behavior and remarks not only normalize discrimination against women but also trivialize the plight and status of women in Philippine society – reducing women to mere objects of pleasure or material for sick and distorted entertainment,” dagdag nito.

Inaamyendahan ni Brosas ang Sections 68 at 261 ng Omnibus Election Code na hindi tahasang nagbabawal ng “misogynistic behavior” ng political candidates.

“We are hoping for a solid support on this measure. Sa bawat babaeng sinabihang manahimik na lang, sa lahat ng kababaihang binastos: Sama-sama nating labanan ang abuso at panagutin ang mga abusadong kandidato,” giit ni Gabriela party-list first nominee Sarah Elago. RNT/SA