MANILA, Philippines- Kinontemp ng House Tri Committee (TriComm) na nag-iimbestiga sa pagkalat ng fake news online ang apat na indibidwal dahil sa ilang ulit nilang hindi pagsipot sa congressional inquiry.
Iminungkahi ni Abang Lingkod party-list Rep. Stephen Paduano na i-cite in contempt sina Sass Sasot, Jeffrey Celiz, Lorraine Badoy, at Mark Lopez, na may kalakip na detention order.
Inaprubahan naman ng joint committee ang mosyon.
Kinontemp sina Sasot, Celiz, at Badoy sa pagtangging sumagot sa summons nang walang legal excuse.
Na-contempt naman si Lopez dahil sa umano’y undue interference matapos niyang batikusin ang umiiral na House inquiry matapos siyang utusang humingi ng paumanhin dahil sa kanyang pekeng social media posts.
Inatasan sina Sasot, Celiz, at Badoy na iditine sa Batasang Pambansa hanggang matapos ng House TriComm ang imbestigasyon, habang ipinadiditine rin si Lopez sa Batasang Pambansa sa loob ng 10 araw. RNT/SA