MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga Pilipino na igalang ang pamana ng mga pambansang bayani sa pamamagitan ng pagpapakita ng pakikiramay, kabaitan, at pagiging hindi makasarili habang ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan (Day of Valor), araw ng Miyerkules.
Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos, nagbigay-pugay ito sa Filipino at American forces na lumaban ng buong tapang noong World War II, partikular na ang paggunita sa 1942 Fall of Bataan.
“Their remarkable story continues to inspire us all as we carry on their work of protecting our nation and building a country worthy of their sacrifice,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ang Araw ng Kagitingan o kilala rin bilang Araw ng Bataan o Araw ng Bataan at Corregidor, ay isang pagtalima sa kung saan ginugunita ang pagbagsak ng Bataan noong ika-9 ng Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na ang paggunita ay hindi lamang para alalahanin ang pisikal na lakas at katapangan na ipinakita ng mga lumaban noong World War II kundi hinggil sa kahalagahan ng ‘small acts of compassion’ na maaaring lumikha ng pangmatagalng pagbabago.
“This year’s commemoration shows that our country is a cradle of heroes and heroines — a home of noble men and women who, regardless of risk or cost, willingly gave a part of themselves and even their lives for the sake of their beloved nation,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.
Iginiit din ng Chief Executive ang tunay na kagitingan na umaabot sa kabila ng larangan ng digmaan.
“Valor is not solely about strength and resolve in the face of adversity but also about small acts of compassion, generosity, and kindness that create meaningful ripples of positive change in our communities,” anito.
Sa kabilang dako, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagsunod sa halimbawa ng mga nakalipas na bayani sa pamamagitan ng pagsusulong sa mga layunin na magtataas sa kanilang kapwa kababayan.
“Through acts of genuine service and self-offering to the nation, we can prove that we are not only made of the same noble stock as our noteworthy ancestors but also the rightful heirs of their heroic legacy and the faithful successors of their struggle to build a strong, secure, and prosperous Bagong Pilipinas,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Samantala, matapos pangunahan ang Day of Valor rites sa Bataan, Miyerkules ng umaga ay pangungunahan din ni Pangulong Marcos ang seremonya sa Camp Aguinaldo para sa mga benepisyaryo ng Comprehensive Social Benefits Program, isang government initiative na magbibigay ng iba’t ibang uri ng benepisyo at tulong sa mga uniformed personnel na nasawi at nasugatan habang nasa linya ng tungkulin. Kris Jose