Home NATIONWIDE ‘Media Security Vanguard’ inilunsad ng PTFoMS

‘Media Security Vanguard’ inilunsad ng PTFoMS

MANILA, Philippines- Inilunsad ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes ang inisyatibang PTFOMS-PNP Media Security Vanguard, na nilalayong paigtingin ang kaligtasan ng media.

Ayon kay PTFoMS Executive Director Undersecretary Jose Torres Jr., tanda ang inisyatibang ito ng mahalagang “milestone” ng commitment ng PTFoMS na paghusayin ang kaligtasan ng media practitioners.

”Your commitment to reporting the truth and your courage in the phase of adversity cannot be overstated,” pahayag ni Torres.

Sa ilalim ng inisyatiba, sinabi ni Torres na palalakasin ang PTFoMS partnership sa law enforcement agencies. Tungkulin ng PNP Public Information Officers (PNP-PIOs) na umasisti sa mabilis na pagresolba sa mga kaso ng karahasan laban sa media, partikular tuwing election period kung kailan naglipana ang banta.

Magtatalaga rin sila ng specialized teams na sinanay sa agarang pagtugon sa mga alalahanin ng media practitioners.

Gayundin, magsasagawa sila ng workshops at seminars upang bigyang-kaalaman ang mga mamamahayag. RNT/SA