MANILA, Philippines- Inatasan ng Korte Suprema ang Senado at ang Kamara de Representante na magkomento sa petisyon na humihiling sa Korte na pilitin ang Kongreso na pagtibayin ang Anti-Political Dynasty Law.
Pinagsasama-sama ang mga petisyon ng 1Sambayan Coalition, et al. sa mga nauna nang naihaing petisyon ng Kapatiran Party at ni Wilfredo Trinidad sa nasabing paksa.
Binigyan lamang ng SC En Banc ang Kongreso ng 10 araw para maghain ng komento.
Una nang hiniling sa SC ng 1Sambayanan, Sanlakas,at Advocates for National Interest na atasan ang kongreso na tumalima sa Article II, Section 26 ng 1987 Constitution.
“With all due respect, the Honorable Court should not tolerate the Congress’ continuing violation of the 1987 Constitution for almost four decades.”
Binigyang-diin ng mga petitioner na wala pang naisasabatas na anti-political dynasty law kahit apat na dekada na ang nakalipas mula nang iratipika ang 1987 Constitution.
Kapansin-pansin anila na mayorya sa mga nahahalal sa bansa ay pawang magkakamag-anak. Teresa Tavares