Home NATIONWIDE 4 nawawalang Pinoy sa Myanmar quake pinaghahanap pa

4 nawawalang Pinoy sa Myanmar quake pinaghahanap pa

A Buddhist monastery building that has collapsed is seen following an earthquake in Naypyitaw, Myanmar Sunday, March 30, 2025. (AP Photo/Aung Shine Oo)

MANILA, Philippines- Nagpapatuloy ang paghahanap sa apat na nawawalang overseas Filipino workers (OFWs) sa Myanmar, isang linggo matapos ang malakas na pagyanig ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ang search efforts ay nagpapatuloy sa kabila ng komplikasyong dulot ng epekto ng Manitude 7.7 quake na yumanig sa Myanmar at Thailand noong Marso 28.

Ayon kay Cacdac, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA), Office of Civil Defense (OCD), lokal na awtoridad at Philippine contingent sa Myanmar.

Sinabi rin ng DMW na nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng apat na nawawalang OFWs.

“Hindi tayo hinto until maabot ang pinapalagay nating lugar kung nasaan sila, kasi okay naman ang units nila sa dorms. So, nakaabang tayo sa respective floors na kinilalagyan ang apat na nawawala na missing OFWs,” sabi ng kalihim.

Sinabi rin ng kalihim na aktibo silang nakikipagtulungan upang mahanap ang nawawalang OFWs at mabigyan ng suporta ang kanilang pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden