
MANILA, Philippines – Pinalagan ng ilang kongresista ang panukalang maisama ang opisina ng Pangulo ng Pilipinas sa mandatory drug test.
“Spare the Presidency from drug test theatrics,” binigyang diin ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan at aniya’y marapat lamang na manatili ang dignidad ng Office of the President kasabay ng kaniyang tahasang pagtutol sa panukalang isailaim din sa mandatory drug testing ang pangulo ng bansa.
Tugon ito ni Libanan matapos maghain ng panukala si Senador Robin Padilla na nagsusulong na sumailalim sa taunang drug tests ang pangulo ng bansa at iba pang mga opisyal ng gobyerno – panukalang inihain ng senador ilang arw lamang matapos na ang isa sa mga staff nito ay nasangkot sa marijuana controversy sa loob ng Senado.
“The timing speaks volumes. Instead of cleaning up his own backyard, somebody is trying to deflect attention by dragging the Office of the President into a spectacle. The presidency is not a stage for gimmicks or stunts.”
Paglilinaw pa ni Libanan na ang kaniyang pagtutol sa panukala ay hindi upang pagtakpan ang sinuman kungdi maingatan aniya ang institusyon.
“Whoever sits as President—past, present, or future—must be spared from the indignity of being forced to undergo a drug test. To subject the presidency to such procedures diminishes not just the occupant but the very office itself,” giit pa ng minority leader.
Dagdag pa rin ng kongresista na kahit ang kunstitusyon ay malinaw na naglalatag ng mga qualifications sa pagka-pangulo na sapat aniya upang ang sinumang uupo sa posisyong ito ay may “competence, judgment, and moral fitness.”
“Our democratic institutions, particularly Congress, must preserve the dignity of the presidency regardless of who occupies it. Undermining that dignity weakens public trust and destabilizes the system we are sworn to protect.” (Meliza Maluntag)