Home METRO College stude, patay sa pamamaril sa Cavite

College stude, patay sa pamamaril sa Cavite

221
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 24 anyos na College Student matapos na pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang naglalakad sa Brgy. Salawag, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa report, kaagad na namatay ang biktima na kinilala sa alyas na Kelsey, 24 anyos, College student, residente ng Brgy. Salawag ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, ala-6:00 ng gabi ng maganap ang krimen sa may Oslo St., San Marino Annex Ph 5, Brgy Salawag.

Ayon sa mga residente ng lugar, nakarinig na lamang umano sila ng sunud-sunod na putok ng baril bago nakita ang duguang biktima na nakahandusay sa lugar.

Tadtad ng tama ng bala ang biktima. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang maibigay na malinaw na detalye ang Dasmarinas Police, gayundin sa tumakas na suspek.

Walong basyo ng cal. 45 at isang bullet slug ang narekober sa pinangyarihan ng  krimen.

Hanggang sa kasalukuyan at blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pag patay sa biktima. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here