CAVITE, Philippines – Kulong ang dalawang bigtime drug pusher at dealer ng Shabu na kasama sa HVI ng pulisya sa inilatag na buybust operation kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Villar City Road Brgy. Salawag, Dasmarinas City Cavite.
Arestado ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na Muklo at Sadam, kapwa nasa hustong gulang at nasa High Value Individual Target ng pulisya.
Sa nakalap na ulat mula sa tannggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Ariel Red, alas-4:15 ng hapon ng magkasa ng buy bust ang Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas Police sa Villar City road Brgy. Salawag.
Nakumpiska sa mga suspek ang 2 transparent plastic sachets at 1 plastic bag na naglalaman ng mga Shabu na aabot sa timbang na 91 gramo at may halagang P 618,800.00.
Napag alaman na kasama sa listahan ng High Value Individual drug list ang mga suspek at kilalang mga drug dealer at pusher. MARGIE BAUTISTA