Home METRO 50% discount sa pamasahe ng mga estudyante sa MRT, LRT, sinimulan ng...

50% discount sa pamasahe ng mga estudyante sa MRT, LRT, sinimulan ng DepEd, DOTr

283
0

MANILA, Philippines – Pormal nang sinimulan ng Department of Education (DepEd) at Department of Transportation (DOTr) ang nationwide program na nagbibigay ng 50% na diskwento sa pamasahe para sa mga estudyante sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) train systems.

Sinabi ng DepEd sa isang news relaese na ang insiyatiba ay tatakbo hanggang 2028 alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ang diskwento na naging epektibo noong Hunyo 2025 ay salaw ang mga estudyante mula kindergarten hanggang graduate school kabilang ang mga nasa Alternative Learning System (ALS) at Specila Eduation (SPED) programs.

Makakatanggap ng 50% diskwento ang mga eligible students sa bawat sakay sa tren na walang daily o monthly limit.

Kinumpirma ng DOTr na lahat ng Metro Manila train lines ay nagpatupad na ng diskwneto, at pilot “libreng Sakay” programs ay gagawin na rin sa Cebu at Davao, gamit ang modernong jeepneys at buses sa mga piling ruta.

Inaasahan din na madadagdagan ang mga lugar sa lalong madaling panahon. Kailangan lamang magpakita ng valid school ID ang ma estudayente o enrollment form.

Simula Setyembre, magagamit na ang special white beep cards sa mga train stations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here