Home NATIONWIDE Panukalang term extension sa House members inihain sa Kamara

Panukalang term extension sa House members inihain sa Kamara

MANILA, Philippines – Naghain ng Resolution of Both Houses No 8 si Ilocos Norte Representative Angelo Marcos Barba na naglalayong magkaroon ng term extension ang mga miyembro ng House of Representatives.

Sa ilalim ng panukala ni Barba ay magkakaroon na ng 5 taong termino at isang re-election.

Sa kasalukuyang sistema ay 3 taon ang termino ng mga kongresista at may 3 consecutive term o kabuuang 9 na taon.

Sa panig naman ni House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Rufus Rodriguez, sinabi nito na maaaring maisantabi ang panukala ni Barba dahil hindi ieentertain ng liderato ang anumang political amendments.

“I think the House leadership will not favor this proposal. The Speaker has repeatedly declared that the push for Charter reform at this time is confined to amending the Constitution’s restrictive economic provisions,” paliwanag ni Rodriguez.

Una nang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na ang anumang hakbang para sa Charter Change ay para lamang sa economic provisions at walang anumang pulitika.

Ang Resolutions of Both Houses para sa economic charter ay aprubado na sa Kamara at nakabinbin naman sa Senado. Gail Mendoza