Home NATIONWIDE Panunungkulan ni Marbil posibleng mapalawig – Remulla

Panunungkulan ni Marbil posibleng mapalawig – Remulla

MAILA, Philippines – Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ay maaaring ma-extend ang kanyang termino ng isa pang apat na buwan.

Bagama’t walang opisyal na anunsyo ang ginawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., binanggit ni Remulla ang matinding indikasyon ng pagpapalawig.

Ang termino ni Marbil ay maaaring pahabain hanggang Hunyo, dahil sa nalalapit na midterm elections.

Binigyang-diin ni Remulla na ang halalan ay isang mahalagang salik sa pagtiyak ng katatagan sa loob ng pamunuan ng PNP sa panahon ng kampanya.

Si Marbil, na nanunungkulan bilang PNP chief noong Abril 1, 2024, ay nakatakdang magretiro sa Pebrero 7, 2025, kapag umabot sa mandatory retirement age na 56. RNT