Home NATIONWIDE Panunungkulan sa anumang cabinet post tablado na kay VP Sara

Panunungkulan sa anumang cabinet post tablado na kay VP Sara

205
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes na wala siyang balak na tumanggap ng panibagong pwesto sa gabinete matapos itong magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

“Hindi na ako magse-serve in another cabinet post sa under (President Ferdinand R.) Marcos (Jr.’s) administration,” pahayag niya sa isang media interview sa sidelines ng ceremonial turnover ng liderato ng DepEd kay incoming Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara.

Sa pag-iral ng kanyang resignation ngayong Biyernes, sinabi ni Duterte na nagsisisi siyang umalis sa departamento na hindi natupad ang “dream programs.”

“It is with a heavy heart that I leave the Department of Education. Minahal ko itong trabaho na ito. Mahal ko iyong mga kasama ko sa Department of Education,” giit niya.

“So mayroon talaga akong regrets dahil gusto ko talagang tapusin iyong kung ano man iyong deliverables ng Marcos administration.”

Subalit, hindi idinetalye ng opisyal ang rason ng pagbitiw niya sa pwesto, at sinabing hindi iisa ang rason sa kanyang desisyon.

“We need a sit-down for the reasons. Mayroong personal sa aming dalawa ni President Marcos, which stems from iyong napag-usapan namin na bago ako pumayag na tumakbong Vice President, mayroon siyang sa trabaho, and mayroon siya sa bayan,” ani Duterte. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here