Home NATIONWIDE PAOCC naglunsad ng one-stop shop sa mga abusadong lending apps

PAOCC naglunsad ng one-stop shop sa mga abusadong lending apps

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Lunes, Hunyo 16 ng one-stop shop na tutugon sa mga reklamo ng mga biktima sa mapang-abusong online lending applications.

“Hindi na kailangan pumunta sa pulis.  Dito, sama-sama na kami para mas madali na ang pag-file ng kaso, hindi na gagastos,” pahayag ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz.

Ang complaint desk sa PAOCC office sa Pasay City ay may mga representative mula sa National Bureau of Investigation, Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Philippine National Police at anti-cyber crime group, maging sa Securities and Exchange Commission (SEC).

“Bottom line is, we need to file an airtight case,” sinabi ni Police Brigadier General Rollie Suguilon, OIC ng PNP-CIDG.

Umaabot ng hanggang 50 percent ang interest rate na sinisingil ng mga online lending apps sa mga umuutang.

Noong Abril at Mayo, mahigit 13,000 reklamo ang natanggap ng PAOCC mula sa mga naging biktima ng lending apps.

Sa paglulunsad ng one-stop shop, sinabi ng PAOCC na nakatanggap ito ng isang daang sworn statements of complainants. RNT/JGC