Home HOME BANNER STORY Paolo Duterte, tatanggi sa imbitasyon ng ICI: “Walang hurisdiksyon sa akin”

Paolo Duterte, tatanggi sa imbitasyon ng ICI: “Walang hurisdiksyon sa akin”

189
0

MANILA, Philippines – Hindi tutugon si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil naniniwala siyang walang hurisdiksyon ang katawan, na itinatag ng ehekutibo, sa kanya bilang kasalukuyang kongresista.

Sa liham niya na may petsang Disyembre 3, na inilabas sa media noong Disyembre 4, sinabi ni Duterte na bilang miyembro ng Kongreso, hindi saklaw ng kapangyarihan ng ICI ang kanyang posisyon. Nakatuon sa flood control projects ng Davao City’s 1st District ang imbestigasyon.

Ayon kay Duterte sa liham kay ICI Chairperson Andres Reyes Jr.: “Bilang kasalukuyang miyembro ng Kongreso, hindi saklaw ng ICI, na nilikha ni Pangulong Marcos, ang aking posisyon. Ang Constitutional Separation of Powers ay nagbabawal sa ICI, bilang bahagi ng Ehekutibo, na isama ako sa kanilang mandato.”

Inakusahan din ni Duterte ang ICI na ginagamit ni Marcos para pahinain ang reputasyon ng Duterte family—siya, si VP Sara Duterte, at ang kanilang ama na dating presidente Rodrigo Duterte.

“Tinuturing ko ang ICI bilang kasangkapang pampolitika ni Pangulong Marcos upang sirain ang pangalan namin ng pamilya Duterte, at bilang panggaganti sa darating na 2028 elections,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na dapat imbestigahan ng ICI si Marcos mismo, dahil inakusahan siya ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa ilang video na may kinalaman sa kickbacks at korapsyon sa infrastructure projects.

“Dahil ang ICI ay nilikha ni Pangulong Marcos Jr., na naakusahan ni ex-Cong. Elizalde Co, nararapat na imbestigahan nila si Marcos, ang kanyang pamilya, at si ex-Speaker Romualdez, lalo na sa flood control projects sa Regions I at VIII mula 2022 hanggang 2025,” paliwanag ni Duterte.

Ayon kay Duterte, nilikha ang ICI upang protektahan ang mga kaalyado ni Marcos at ipasa ang sisi sa kanya at sa kanyang kapatid na si VP Sara.

Sa nakalipas na dalawang buwan, iniimbestigahan ng ICI ang alegasyon ng korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno, partikular ang flood control. Ilang mambabatas, kabilang si dating Speaker Romualdez, ay inimbitahan na magpaliwanag.

Noong Nobyembre 5, sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na may mga irregularidad sa Davao River at Matina River flood control projects sa distrito ni Duterte, na nagkakahalaga ng mahigit P4 bilyon. Natuklasan niya ito mula sa DPWH documents, website, at National Expenditures Program at General Appropriations Act (2019-2022).

Mga kategorya ng irregularidad ayon kay Tinio:

–Total Overlap – Dalawang kontrata (P135.14M) sa parehong bahagi ng ilog

–Double Funding – Dalawang kontrata (P115.09M) para sa parehong lugar ngunit sa magkaibang contractor

–Changed Location & Shortchanging – Siyam na kontrata (P484.04M) na mas maliit ang coverage kaysa sa nakasaad sa GAA

–Awarded Contracts Without Details – 62 kontrata (P3.44B) na walang tamang specifications

–Awarded Contracts Not in GAA – 10 kontrata (P622.57M) na walang katumbas na linya sa budget

Tinanggihan ni Duterte ang alegasyon at hinamon si Tinio na bumisita sa Davao at tanungin ang mga residente kung nakaranas ba sila ng baha. Sinabi niyang lahat ng proyekto ay na-inspect ng DPWH at Commission on Audit.

Pagkatapos nito, ipinakita ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang datos ng unfinished flood control projects sa Davao, na ayon sa kanya ay dapat masusing imbestigahan dahil maaaring ito ay ghost projects, incomplete, o poorly constructed. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here