Home ENTERTAINMENT Paolo, in-unfollow na rin si Yen!

Paolo, in-unfollow na rin si Yen!

Manila, Philippines – Hindi na rin pina-follow ni Paolo Contis ang nobyang si Yen Santos sa Instagram.

Maaalalang si Yen ang naunang mag-unfollow kay Paolo ilang linggo lang ang nakakaraan.

Yen’s unfollowing Paolo on IG has since fueled speculations na nag-break na ang dalawa.

Paolo, however, would rather decline to talk about it sa nakaraang mediacon ng pelikula niyang Fuchsia Libre.

With Paolo doing the same thing ay finally, in-address na ng aktor ang isyu.

Aniya: “Basta ang IG ko, pang-promote na lang! Wala nang personal doon, ‘yun lang ang masasabi ko!”

Maugong din kasi ang balitang the couple had to break up dahil umano sa panghihimasok ng ilang tao identified with Yen.

If reports are true, may mga tao on Yen’s side na kontra sa pakikipagrelasyon nito kay Paolo.

Nauna na naming iniulat dito sa Remate Online na sa phone convo sa pagitan ni Jobert Sucaldito at ng ina ni Yen na si Lilian ay itinanggi ng huli na may relasyon ang kanyang anak sa aktor.

“They were never a couple!” giit ni Lilian.

Sa katunayan, wala nga raw ideya si Lilian kung saan at paano nagsimula ang tsismis linking her daughter to Paolo.

“I should know because I’m the mother!” paglilinaw ni Lilian kay Jobert. Ronnie Carrasco III