Home ENTERTAINMENT Paolo, inaalat!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Paolo, inaalat!September 6, 2024 18:00 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- “When it rains, it pours.”Hindi lang angkop ang kasabihang ito sa sunud-sunod na suwerte o biyayang dumarating sa buhay ng isang tao, tila maging “kabiguan” din.Swak nga ang popular truism na ito sa kaso ni Paolo Contis.A netizen rattled off a number of successive events in the Kapuso’s actor life of late.Una’y ang tila nananahimik nitong pakikipagrelasyon kay Yen Santos.The mere fact daw na nothing is heard about them ay lisa lang ang ibig sabihin–waley na sila!Matatandaang mismong ang ina ni Yen ang umaming hindi naman daw nobyo ng kanyang anak si Paolo.Wala nga raw siyang kaalam-alam na natsitsismis ang dalawa.Fast forward to recent developments.Rated X ang pelikula ni Paolo na Dear Satan ng MTRCB.According to its chair Lala Sotto, bilang Kristyano raw ay nakaka-offend ang depiction kay Satanas.“Satan can never be good,” tahasan nitong sabi for which she incurred the ire of some netizens.Pero hindi nga umubra ang depensa ni Paolo who plays Satan in the film.Bagama’t Sotto believes that the movie is not demonic, Paolo insists that the film’s message is the triumph of good over evil.Sa ngayon, nasa proseso ng pagreremedyo ang film company to get a good rating.Also, ikinalungkot–kundi man ikinadismaya ng manager ni Paolo–ang pag-etsa-puwera sa aktor sa bagong station ID ng GMA.Hindi na nga raw nabibigyan ng teleserye gayong he’s a good actor and a loyal network talent ay ‘di pa isinama sa station ID.Eh, ang tanging wish lang naman daw ng manager ni Paolo ay makapundar ito ng sariling bahay like her other wards Tonton Gutierrez and Alfred Vargas.Child star pa nga naman nagsimula ng kanyang career si Paolo.Kung naniniwala nga tayo sa kapalaran, the stars don’t seem aligned sa kaso ni Paolo.Anyare?! Ronnie Carrasco III