Home ENTERTAINMENT Bianca, may hugot kay Ruru sa pag-update?

Bianca, may hugot kay Ruru sa pag-update?

Manila, Philippines- Simple lang naman ang gusto ng mga babae, isa na rito ‘yung nag-a- update ‘yung jowa nila para hindi sila nag-o-overthink!

Pero mukhang hindi ito nakukuha ng Kapuso actress na si Bianca Umali mula kay Ruru Madrid, her real life partner!

Sa isa sa episodes ng It’s Showtime Kalokalike Face 4, nakaharap ni Bianca ang contestant na si Kevin Dangcalan, kalokalike ng Kapuso actor na si Ruru.

Biro ni Kevin, “Binisita ko lang ang mahal ko, ayaw ko siyang maging malungkot kasi.”

Hindi naman nagpatalo si Bianca at sumagot ng pabiro sa contestant saying, “Hi, Mahal. Andito ka pala, hindi ka nag-a-update, Mahal.”

Agad naman itong pinag-piyestahan ng netizens sa comments section.

Hinala ng mga ‘to, may hugot si Bianca.

Baka hindi umano nag-a-update si Ruru in real life kaya ‘yun ang unang lumabas sa bibig ni Umali nang makaharap ang kalokalike ng boyfriend nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napag-usapan ng publiko ang relasyon ng Kapuso couple.

Isa na nga rito ang usap-usapang selosa si Bianca.

Baka ang dahilan diumano ng pagiging selosa niya, eh, ang hindi pag-update ni Ruru on time?

Hmmm.

Baka you just need to lighten up, guys! It’s just a joke! Paula Jonabelle Ignacio