Manila, Philippines- Mavy Legaspi seems to have already moved on mula sa nakaraan nila ni Kyline Alcantara, pero hindi ang kanyang mga tagahanga.
Nagbabardagulan kasi sa social media ang respective fans ng former couple.
Ito’y makaraang i-flex ni Mavy ang laki ng iginanda niyang pangangatawan, thanks to workout.
Ayon nga sa comment ni Chariz Solomon: “Ang payat mooo but beautiful!”
Na sinagot naman ni Mavy ng: “This has been a journey. 40lbs down!”
Caption pa ni Mavy: “Been doing just fine!”
Magkasama dating nag-host sina Mavy at Chariz sa Jalosjos-produced na Eat Bulaga nang magbagong-bihis ito.
Aminado si Mavy na hindi raw biro ang magpapayat, but it’s all worth it if only for the result.
Mas gumuwapo nga ang binata nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.
Nagmukha nga raw itong prinsipe who deserves a princess, hindi tulad ni Kyline na flat-chested.
Dahil dito’y naglabu-labo na ang mga supporters nina Mavy at Kyline.
May isang Kyline fan nga ang to the rescue sa Kapuso actress.
Kesyo ang babaw naman ng dahilan na just because flatchested ang kanilang idol ay hindi na siya bagay kay Mavy.
Ang importante naman daw ay pareho na silang nakapag-move on.
Si Mavy who’s focused on keeping himself fit, at si Kyline naman for having Kobe Paras.
Obyus na hindi pa nakakapag-move on ang mga fans ni Mavy gayong ang mismong idolo nila has already begun a new chapter in his life. Ronnie Carrasco III