Home ENTERTAINMENT Paolo, nahawakan ang kilikili ni Kim; Fans, naaliw!

Paolo, nahawakan ang kilikili ni Kim; Fans, naaliw!

Manila, Philippines- Kinilig ang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang nakita na super sweet sila sa isa`t-isa.

Ipinost ng isang fan ang video ng KimPau kung saan kinarga ni Paulo si Kim.

Ang nasabing shot ay kuha mula sa panayam ni MJ Felipe ng ABS CBN.

Ipina-reenact kasi ni MJ kina Kim at Paulo ang kilig scene sa What`s Wrong with Secretary Kim kung saan ay kinarga ng actor ang kanyang leading lady.

Kapansin-pansin sa video na tila nahawakan ni Paulo ang kilikili ni Kim nang kanyang kargahin ito.

Sa video ay kitang-kita rin kung paano inamoy ni Paulo ang kanyang kamay pagkatapos nito.

Natural na super-react ang mga fans sa nakita sa video at imbes na madismaya ay aliw na aliw pa sila sa dalawa.

Narito ang ilan sa mga comments.

“Grabeeee ang love na yan, amuyan na. Ganyan talaga ang couple, gustong-gusto ang amoy ng bawat isa sa kanila.”

“Hahahaha! Grabeee, nagawan talaga ng kuwento. Dami kong tawa dito but love it.”

“Simple dumiskarte ang isang Paulo Avelino.”

“Hahaha! Natawa ako dito Pau-Pau, ano ba yan, ang bangu-bango bah?”

”Na-addict na si Pau sa amoy ni Kim.” Gerry Ocampo