Home ENTERTAINMENT Paolo, nilaglag si Lolit!

Paolo, nilaglag si Lolit!

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang mensahe ni Paulo Contis sa manager niyang si Lolit Solis na nag-celebrate ng kanyang  77th birthday kamakailan lamang.

Sa video na ipinost ni Salve Asis sa IG ay sinabi ni Paulo na noon pa man ay gusto niyang si Lolit ang mag-handle mg kanyang career o maging manager niya.

“Nu’ng nagkaroon na ako ng ibang manager after how many years, gusto ko talaga si Nay Lolit mag-handle sa akin.

“E, may iba akong manager noon. So, sa kagustuhan ko, binili ko ‘yung kontrata ko sa manager ko para mapunta ako kay Nay Lolit,” ani Paulo.

Pero tumatak ang biro ni Paolo na simula raw na naging manager niya si Lolit ay nagkagulo raw ang kanyang buhay.

“And simula nu’n, nagkagulu-gulo na ang buhay ko!

“Kaya ayun, kita niyo… tingnan niyo ang nangyari sa akin,” biro ni Paolo.

Nagbibiro man ang dating host ng Ang Pinakamasayang Tahanan, nagpapasalamat nam an siya sa pagtatanggol sa kanya ni Lolit sa mga negatibong banat sa kanya ng ilang press people or  kahit ang manager niya rin mismo ang may gawa ng issue.

Sabi nga’y good or bad is still a publicity.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, yung pagmamahal mo sa akin kahit hindi ako kamahal-mahal minsan.

“Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin sa mga isyu na ikaw rin naman ang may gawa. “Oo, may sasabihin akong sikreto sa kanya, ikakalat niya yun sa iba. Tapos ipagtatanggol niya ako. Pero hindi. Yan si Nay Lolit, e!

“Huwag mong sabihing hindi totoo? E, ganu’n talaga si Nanay. It’s either you love her or you hate her, but me, I love you very, very much. You’re my second mom,” ani Paolo. Ador Saluta