Home NATIONWIDE Pang-aabuso sa mga iskul kinondena ng CHR

Pang-aabuso sa mga iskul kinondena ng CHR

MANILA, Philippines- Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes na hindi dapat mangyari ang insidente ng pang-aabuso sa mga paaralan dahil malaki ang magiging epekto nito sa paglaki at dignidad ng mga bata.

Base sa CHR, ang mga paaralan ay dapat magsilbing “safe spaces” para sa mga kabataan.

“Abuse of any kind–whether it be verbal, physical, or emotional–compromises children’s basic rights and sense of dignity. Such behaviors can damage the educational environment designed to foster and grow young minds and may cause lasting psychological harm,” pahayag ng CHR.

“Educational institutions are expected to consistently uphold the highest standards of child protection,” dagdag nito.

Inihayag ito ng CHR matapos ang insidente sa Lubao, Pampanga kung saan sinaktan ng isang guro ang tatlong Grade 9 students.

Nakahagip ang insidente sa video na kumalat sa social media.

Samantala, sinabi ng Department of Education na bumuo ito ng team upang imbestigahan ang insidente.

“In line with our monitoring mandate, CHR shall closely track the development of this case,” ayon pa sa CHR. RNT/SA