Home NATIONWIDE Papel ng ‘tourist rest areas’ sa pagiging ‘tourism powerhouse’ ng PH sa...

Papel ng ‘tourist rest areas’ sa pagiging ‘tourism powerhouse’ ng PH sa Asya, ibinida

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes na makatutulong ang tourist rest areas (TRA) na maging tourism powerhouse ang Pilipinas sa Asya.

”This TRA is an important initiative for us as we want to transform the Philippines into the tourism powerhouse in Asia. We are in very stiff competition,” pahayag ni Marcos sa inagurasyon ng tourist rest area sa Pagudpud, Ilocos Norte.

“Thailand has done an extremely good job in promoting tourism. Korea has done a very, very good job doing that. Indonesia, the same thing. Vietnam, the same thing,” dagdag niya.

Ani Marcos, sa Ilocos Norte, mahigit 3.5 milyong same-day visitors ang naitala noong 2023 at halos 515,000 domestic at foreign tourists ang nanatili sa hotels at resorts.

”It shows that we have the attractions; we have the products; and we have the people to make it happen. I am truly proud to call this land my home as it continues to draw critical acclaim here and abroad,” wika ng Pangulo.

Binanggit din ni Marcos na kahit ang Saud Beach sa lalawigan ay kasama sa 25 Most Beautiful Beaches in the World ng Travel & Leisure.

Aniya, nilalayon ng mga proyektong ito na palawigin hindi lamang ang turismo, kundi ang development ng mga lalawigan.

”I am confident that these exciting developments will become a springboard for [the] further success [of] tourism in Ilocos Norte and the Philippines and from this moment onwards,” giit ni Marcos. RNT/SA