Home ENTERTAINMENT Kim, babanggain si Vice sa MMFF 2024!

Kim, babanggain si Vice sa MMFF 2024!

Manila, Philippines- Two of the closest hosts of It’s Showtime are Vice Ganda and Kim Chiu.

Kung matatandaan, nang mag-break sina Kim at Xian Lim late last year, nagsilbing shoulder to cry on ang Unkaboggable Star.

Laging nire-reassure ni Meme that Kim is loved by all no matter what.

Pero ang ganitong usapin sa personal level ay hindi sakop ang trabaho.

Bilang sila per se, Kim and Vice Ganda treat each other like sisters.

Pero ibang usapan na pagdating sa trabaho o sila bilang mga artista.

This early ay pinaiingay na ang MMFF entry ni Vice Ganda this year.

Ito ‘yung And the Breadwinner Is. mula sa direksyon ni Jun Lana at Perci Intalan.

Paano ‘yan, eh, balitang may entry rin daw si Kim sa MMFF u ser Star Cinema.

Matatandaang ang huli pang pelikula ni Kim under ABS-CBN’s film arm ay ang U-Turn noong 2020.

Horror ang genre nito , horror din kaya ang balik Star Cinema project ni Kim?

Sasadyain bang magkaiba sila ng genre ni Vice Ganda para hindi sila magkasakitan sa takilya?

But wait, hindi kaya ang posibleng banggain ni Kim ay ang pelikula ng dating nobyong si Xian Lim na kukunan sa Thailand?

Well, nasa second quarter pa lang naman tayo ng 2024, marami pa ang puwedeng mangyari. Ronnie Carraso III