Manila, Philippines- Of late ay spotted sa opisina ni Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin ang mga barangay captain ng lungsod ng Manila kaya naman mabilis na umugong ang balita na tatakbo raw ang Jukebox Queen bilang mayor sa Manila.
Ang sabi, kinukumbinsi raw ng mga kapitan si PCSO Director na tumakbo bilang pinuno ng nasabing lungsod sa darating na eleksyon.
Lalo pang lumukas ang bulung-bulungan dahil sa visibility ni Imelda sa iba’t-ibang lugar sa Manila para naman sa kanyang feeding program project. Nagkalat na rin ang mga tarpaulin ni Imelda sa Manila in connection with her feeding project.
Sa ngayon ay si Honey Lacuna ang incumbent mayor ng Manila.
May balita ring babalik sa lungsod si Isko Moreno upang tumakbo bilang mayor.
Kapag nagkataon at nagkatotoo ang sinasabi ng mga Marites ay parehong taga-showbiz ang maglalaban sa Manila bilang mayor: si Papin at si Isko.
FYI ay may roots si Imelda sa Manila.
Bukod dito at hindi naman baguhan si Imelda sa public service dahil nagsilbi siya bilang public official sa kanyang probinsiya sa Camarines Sur. Tumakbo rin si Imelda noon bilang senador at governor.
Sa ngayon ay nakatutok ang OPM singer sa kanyang trabaho bilang PCSO director. Kasabay nito ay malapit na ring ipalabas ang kanyang pelikulang The Untold Story of Imelda Papin na pino-promote na niya ngayon which is slated to be shown in cinemas this September. Naging matagumpay naman ang sunod-sunod na block screening ng kanyang biopic na lumibot na sa bansa.
Sa ngayon, aasahan na ba natin ang banggaan nina Papin at Moreno sa Manila?