Home Uncategorized #WalangTubig sa ilang lugar sa Caloocan, QC, Rizal sa Aug. 23-24, 27-29

#WalangTubig sa ilang lugar sa Caloocan, QC, Rizal sa Aug. 23-24, 27-29

MANILA, Philippines- Makararanas ng water service interruptions sa ilang bahagi ng Caloocan City, Quezon City, at lalawigan ng Rizal dahil sa scheduled maintenance activities mula Agosto 23 hanggang 24 at 27 hanggang 29.

Sa abiso na naka-post sa social media account ng Maynilad Water Services, sinabi nitong magkakaroon ng electromagnetic flow meter replacement sa Caloocan City mula alas-10 ng gabi, Agosto 23, hanggang alas-6 ng umaga, Agosto 24.

Narito ang mga apektadong lugar:

  • Brgy 53 hanggang 55, J. Teodoro corner 7th Avenue

  • Brgy 161, Reparo corner Baesa

Gayundin, magsasagawa ng leak detection activities sa 4th Avenue corner D. Aquino corner Nadurata, saklaw ang Barangays 36 hanggang 38 at 43, mula alas-11 ng gabi ng Agosto 23 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Agosto 24.

Samantala, sinabi ng Manila Water na kasado ang emergency repair at maintenance activities na makaaapekto sa ilang bahagi ng Quezon City; Cainta, Antipolo, Taytay, at Binangonan, Rizal mula Agosto 27 hanggang 29.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod:

Pinayuhan ang mga residente ng mga nabanggit na lugar na mag-imbak ng tubig para sa service improvement activity.

Hayaan din munang dumaloy ang tubig hanggang maging malinaw bago ito gamitin. RNT/SA