Manila, Philippines – Malabo pang bumalik sa politika ang tinaguriang Jukebox Queen at ngayon ay bagong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director na si Imelda Papin sa susunod na halalan.
Very satisfied si Imelda sa position niya bilang isa sa mga directors of PCSO.
“Pero hindi pa natin alam kung ano ang gusto ng Panginoon sa buhay ko, sa career ko.
“So, kung anuman po ang italaga ng Panginoon at kung ano amg gusto ng Presidente, you know, I’ll just follow,” pahayag ni Imelda.
Bagama’t marami raw kasi ang nagre-request sa kanya to run for a national position.
“I’ve tried it before in 2010. And medyo gusto nila na bumalik ulit ako to run for the Senate. Let’s see. I’m already here. I’m helping and my doors are open to all of you.
“Kasi I always say this without God, without all of you, there’s no Imelda Papin. So, I am here to serve the country and the Filipino people,” say pa ni Imelda.
Naka-tatlong buwan na raw siya sa PCSO at sa kanyang 100 days sa office ay kailangan niyang mag-report kay Presidente Bongbong Marcos.
Nakausap namin si Imelda sa grand opening ng VS Cinema sa loob ng VS Hotel along EDSA near GMA-Kamuning MRT station last Sunday.
Si Imelda ang nag-cut ng ribbon sa pagbubukas ng VS cinema sa publiko.
Ang VS Cinema ay pagaari ng VS Hotel Corporation, in collaboration with Rems Entertainment. Isa sa owners ang direktor ni Imelda sa kanyang biopic na “Loyalista” na si Gabby Ramos.
Sa pelikulang “Loyalista” ay ipinakita ang pagiging loyal ni Imelda kina former President Ferdinand Marcos at First Lady Imelda.
Pinasalamatan ni Imelda ang Diyos at si PBBM na binigyan siya ng tiwala bilang isa sa mga direktor ng PCSO.
“Uhm, siguro kinonsider din ng ating Presidente ‘yung pagiging loyal ng isang Imelda Papin sa Marcos family.
“Pero more on achievements ko rin siguro as a public servant. Kasi I have served nine years also in my province,” diin ni Imelda. Julie Bonifacio