MANILA, Philippines – Binalaan ni Antipolo Rep. Romeo Acop si Mylah Roque, asawa ni dating presidential spokesman Harry Roque, na aarestuhin ito kung hindi tatalima sa ipinalabas na show cause order at hindi dadalo sa susunud na pagdinig ng House Quad-Committeee.
“If the quad committee schedules a hearing and she does not show up despite the invitation, we will issue an order to cite her in contempt,” pahayag ni Acop, chairman ng House Committee on Transportation.
Si Ginang Roque ay inisyuhan ng show cause order ng QuadComm matapos hindi dumalo sa pagdinig noong Setyembre 19, sa kanyang liham sinabi nito na hindi sya makakadalo sa pagdinig dahil sumasailalim ito sa medical treatment sa Singapore.
Una nang ipinaliwanag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Quad-Comm overall chairman,na ang imbitasyon nila kay Ginang Roque ay para mabigyang linaw nito ang pagkakasangkot sa isang lease agreement sa ilang Chinese nationals na sangkot sa POGO.
Hindi pa batid kung ano ang sakit ni Ginang Roque subalit pinasusumite na sa komite ang kanyang medical records. Gail Mendoza