Home ENTERTAINMENT Papuri ni Carla kay Heart, napasama!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Papuri ni Carla kay Heart, napasama!June 23, 2024 07:55 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – May bagong pinagkakaabalahang hobby ang pangulo ng organisasyon ng mga asawa ng senador na si Heart Evangelista.Ito’y ang target shooting na malayung-malayo sa nakasanayan na nating kasosyalan na ginagawa ng fashion icon.For once nga, Heart takes a breather as she gets to do target shooting with a .45 calibre firearm.Umani naman ng mga papuri si Heart, na ayon nga sa mga netizens ay seksing tingnan ang mga babaeng nagpapaputok.May ilan pa ngang komentong pinag-iingat maging ang mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudeo.The lawmaker is warned to behave or else, alam na.Maging ang mga perceived enemies ni Heart tulad ni Pia Wurtzbach na kaagaw niya sa global fashion scene ay binalaan din.Pero sa lahat ng mga komento ay maituturing na classic ang nagmula kay Carla Abellana.Post ng kapwa Kapuso actress: “Only Love Marie (Heart’s real name) can do it with style and class!”Okey na sana until sumingit ang isang nagmamaasim na netizen.Post nito: “Oo, gayahin mo ang pagka-class ni Heart, hindi katulad mo na nagbebenta ng mga gamit (online) na nanlilimahid!”Ano’ng kasalanan ni Carla maliban lang sa pinuri niya ang style at class ni Heart?Anong kunek ng target shooting ni Heart sa online selling ni Carla?Hindi kaya dapat ay si Carla ang nagsasanay ng target shooting laban sa kanyang mga bashers? Ronnie Carrasco III