Home ENTERTAINMENT Clau, sinabing nasaktan sa basher si Greta, nag-lie low sa socmed!

Clau, sinabing nasaktan sa basher si Greta, nag-lie low sa socmed!

Manila, Philippines – Without a doubt ay “mabenta” si Claudine Barretto sa news.

At kung isa-isahin natin, consider this wave of current news about her.

Nangunguna na riyan ang pagsisisi ng aktres sa ginawang “pang-aaway” kay Angelu de Leon.

Consistent pa rin ito sa pagsasabing she shouldn’t have said na ayaw niyang makasama si Angelu alongside Judy Ann Santos and Gladys Reyes.

Ang malinaw, basta ayaw lang niya. Period.

Sinundan ito ng muling pag-e-emote ni Claudine taking the blame for the death of Rico Yan many years ago.

Kung sinagot lang daw ng aktres ang pitong tawag ni Rico the night before he died ay baka it wouldn’t have happened.

Napagtanto tuloy ni Claudine na baka ‘yun ang dahilan kung bakit daw siya kinakarma.

Toast of social media uli ang aktres sa panawagan niya sa estranged husband na si Raymart Santiago na kumuha ng kanyang milyun-milyong pisong inilaan niya para sa kanyang mga anak.

Ang latest ay ang tungkol sa panloloob sa bahay ni Mommy Inday sa Subic, Zambales.

Ikina-ICU raw ng kanilang ina ang kasong ‘yon which endangered her life.

Nag-shoot up kasi nang napakataas ang blood pressure nito.

Ang pinakabago ay ang pambubuko ni Claudine kung bakit sobrang tahimik na ng kanyang Ate Gretchen sa social media.

‘Yun pala’y hindi kinaya ni La Greta ang pamba-bash sa kanya sa kabila ng mga kabutihang ginagawa niya.

Ipinaalala ni Claudine ang tulong na ipinaabot ng kanyang nakatatandang kapatid noong pandemya.

Yet kahit daw malinis ang hangarin nito’y bina-bash pa rin, hanggang magdesisyon na raw ang dating aktres to stay away from social media.

Ani Claudine: “Nakatulong na ang ate ko pero na-bash pa, hindi niya kailangan ‘yon! Enough!” Ronnie Carrasco III