Home ENTERTAINMENT Andi, posibleng bumalik sa showbiz!

Andi, posibleng bumalik sa showbiz!

Manila, Philippines – Aminado si Andi Eigenmann na iginalang ng kanyang inang si Jaclyn Jose ang desisyon niyang piliin ang payak na buhay sa Siargao sa piling ng kanyang pamilya.

Ramdam daw ng ulila na sa magulang na dating aktres where her mom was coming from.

But Jaclyn gave her the free hand to make a decision for herself.

Naaalala pa raw ni Andi na kinukumbinsi siya ng ina na manatili sa Maynila dahil maraming interesadong kunin ang kanyang serbisyo bilang artista.

Sasabihin daw ni Jaclyn sa kanya na: “Umuwi ka na dito, mag-taping ka ulit”

But Andi stood her ground, at hindi siya mapilit ng ina.

Pero good news sa mga tagahanga ni Andi as she’s not totally closing her doors on showbiz.

Hindi nga lang daw niya masabi kung kailan, but if only to continue her mom’s legacy na tumatak na sa industriya ay willing si Andi na yakaping muli ang mundong kinagisnan ng kanyang mga magulang.

Kung matatandaan, March nang mabalitang personal na kinausap ng ABS-CBN lady executive na si Cory Vidanes si Andi para sa isang posibleng comeback vehicle sa TV.

For her part, Andi thought it was a welcome idea lalo pa’t kamamatay pa lang noon ni Jaclyn.

Samantala, balita ring it was Vidanes who made a personal visit at Angel Locsin’s residence.

Naabutan pa nga raw niyang naghuhugas ng pinggan si Angel ng mga sandali ng pagdalaw niya.

Vidanes broached the same idea: kinukumbinsi rin niya si Angel na magbalik-showbiz na rin.

After all, matagal-tagal na ring panahong namamahinga ang aktres who seems to be enjoying her domesticated life with her hubby Neil Arce.

Dito masusubukan kung uubra ang powers ni Tita Cory in convincing the two “As” to stage a TV comeback.

Sino kaya kina Angel at Andi ang unang bubulaga uli sa TV?

Exciting! Ronnie Carrasco III