Home METRO Parak, kasabwat arestdo sa P4M drug bust

Parak, kasabwat arestdo sa P4M drug bust

COTABATO CITY – Arestado ng mga ahente ng anti-narcotics nitong Biyernes ng gabi, Enero 5, ang isang pulis at ang kanyang babaeng kasabwat sa isinagawang P4 milyong drug sting operation sa harap ng isang food chain dito.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang mga naarestong suspek na sina Staff Sgt. Mujeeb Bitayo Sepi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station sa Maguindanao del Norte, at ang kasama nitong si Farida Alim Alfonso.

Nakuha rin ng arresting team ang isang pistola at mga mobile phone mula sa mga suspek.

Nakakulong sa PDEA custodial facility, hinihintay ng mga suspek ang pagsasampa ng pormal na kaso para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT