Home NATIONWIDE Parak na may-ari ng baril sa Tacloban shooting, target kasuhan ng Napolcom

Parak na may-ari ng baril sa Tacloban shooting, target kasuhan ng Napolcom

3
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng National Police Commission (Napolcom) ang posibleng administrative liability ng isang pulis na may-ari ng baril na umano’y ginamit sa madugong pamamaril sa isang pampublikong paaralan sa Tacloban City.

Ayon kay Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, nagsagawa ang komisyon ng motu proprio investigation na kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police.

“I have directed our Napolcom Regional Director of Region 8, Dir. Risty Sibay, to expedite their investigation,” ani Calinisan.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang Glock pistol na ginamit sa pamamaril ay pag-aari ng isang policewoman na nakatalaga sa Police Regional Office 8 at tiyahin ng isa sa mga suspek.

Nasa restrictive custody na ang naturang pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“This intentional or negligent act of the policewoman in allowing her niece to use her issued firearm led to the death of three teenagers, and the wounding of many others. She has a lot of explaining to do,” ayon kay Calinisan.

Dagdag niya, maaaring maharap ang policewoman sa kasong grave misconduct o grave neglect na may katumbas na suspensyon, demotion, o tuluyang pagtanggal sa serbisyo.

Tatlong estudyante ang nasawi habang ilan pa ang nasugatan sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here