Home METRO Parak natagpuang dedo sa kanyang opisina

Parak natagpuang dedo sa kanyang opisina

CEBU CITY- Hindi inakala ng kanyang mga kasamahan na ang pag-inda ng pananakit ng tiyan ay natagpuan na lamang nilang nakahandusay at wala nang buhay ang kanilang hepe sa kanyang kama sa tanggapan nito, iniulat kahapon sa bayan ng Tuburan.

Nagluluksa ngayon ang Cebu Provincial Police Office (CPPO) sa pagkamatay na isa pambihirang pulis na si Police Lt. Col. Glenn Hife, hepe ng Tuburan police station 6.

Batay sa report ng Tuburan MPS, bandang alas-5:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang tanggapan.

Ayon sa Tuburan police, bago ang insidente, iniinda ng biktima ng pananakit ng tiyan kaya nagtungo ito sa kanyang silid para magpahinga.

Makalipas ang ilang oras, nagtataka ang mga kasamahan ng biktima at hindi pa ito lumalabas ng kanyang silid.

Dahil sa pag-alala, pinasok na nila ito hanggang sa nakita na lamang nilang nakahandusay at wala nang buhay.

Malaki naman ang panghihinayang ng CPPO sa pagkamatay ni Hife dahil sa pambihira nitong galing na ipinakita sa kanyang tungkulin.

Isasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito. Mary Anne Sapico