MANILA, Philippines- Halos tapos na ang binabalangkas na mga patakaran para sa kontrobersiyal na cash assistance program na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (Akap).
Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na layunin ng panukalang mga patakaran o alituntunin na tiyakin ang ‘eligibility’ ng mga indibidwal bago maging kwalipikado bilang benepisyaryo sa ilalim ng Akap, itinuturing na ‘last-minute insertion’ sa 2025 General Appropriations Act at labis na inulan ng kritisismo dahil sa posibilidad na gamitin para ugain ang mga botante para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sinabi ni Gatchalian na nakapulong niya sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan noong nakaraang Biyernes para talakayin ng “refined intake form” para sa Akap.
Pagtugon ito sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa bagong guidelines para sa “conditional implementation” ng Akap at pagtalima sa kanyang line-item veto message ukol sa Akap.
“One of the agreed salient provisions in the guidelines was maintaining a ceiling on the number of household members who can avail the program to “minimize instances of duplication of aid,” ayon kay Gatchalian.
Maglalagay din sa guidelines ng mga “consequences” para sa mga mapanlinlang na gawain gaya ng ‘forging documents at beneficiary lists’ bagama’t hindi naman nito idinetalye.
“Both Laguesma and Balisacan agreed to the proposed guidelines, believing this would “help pacify pertinent public concern” amid initial backlash to the program,” ang sinabi ng Kalihim.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang programa ay “intends to address the significant strain of inflation to the financial capacity of those who earn less than minimum wage,” bagaman ang tinutumbok ng mga kritiko ay kung paano na ang cash assistance program ay maaaring maging ‘prone’ sa korapsyon.
“In case of the social welfare in take, [the refined intake form] will show us if our clients’ goods are affected by the effects of inflation,” ang tinuran pa rin ni Gatchalian.
“Anybody can refer [a beneficiary to the program], but our social workers and the result of interviews and assessment will be followed at the end of the day.”
“The new intake form will also determine if the beneficiaries in the program were “indeed affected” by inflation,” wika pa ni Gatchalian, habang kinikilala naman nito. Kris Jose