MANILA, Philippines- Nahaharap ang isang patrolman na naka-assign sa Laguna Police Provincial Office sa pagkakatanggal sa serbisyo kasunod ng pagkakasangkot niya sa robbery holdup sa Taguig City noong June 2024, ayon sa Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.
Inihayag ni IAS chief Inspector Gen. Brigido Dulay na isinumite niya sa opisina ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang rekomendasyong sibakin ang police officer na hindi pinangalanan.
Nahatulan ang patrolman ng guilty sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Giit ni Dulay, hindi kukunsintihin ng kapulisan ang criminal behavior mula sa law enforcers at binigyang-diin ang commitment ng IAS sa pagpapanagot sa tiwaling police officers, kahit na off duty.
Batay sa ulat, nagsagawa ang pulis kasama ang dalawang kasabawat na sibilyan ng robbery at gunpoint habang nakasakay sa dalawang motorsiklo sa Western Bicutan, Taguig City.
Agad na inalerto ng asawa ng biktima, na nakasaksi sa krimen, ang dumaraang barangay patrol unit, dahilan upang agad na rumesponde ang kapulisan.
Tinugis ng mga pulis mula sa District Mobile Force Battalion na naka-assign sa Taguig Sub-Station ang mga tumatakas na suspek, nagresulta sa pagkakadakip nila at pagrekober sa mga ninakaw na kagamitan.
Naberipika ng mga awtoridad na isa sa mga suspek ay isang active-duty police officer at ginamit ang PNP-issued firearm upang isagawa ang krimen.
“The IAS is steadfast in ensuring that rogue cops are removed from the service. This kind of criminal behavior is precisely what damages public trust in the PNP,” wika ni Dulay.
“We commend the swift and decisive action of our fellow officers who arrested the suspect. Their courage and commitment to justice prove that the PNP remains dedicated to upholding the rule of law —even when it means apprehending one of their own.” RNT/SA