Home METRO Parak todas sa karibal!

Parak todas sa karibal!

ILOILO CITY- Patay ang isang pulis noong Disyembre 18 dahil sa umano’y pananaksak ng isang obrero dahil sa babae na nililigawan nila sa bayan ng  Oton sa lalawigan ng Iloilo.

Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Staff Sgt. Erwin Calubayan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 6.

Base sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Dan Garferio, isang construction worker, sa sari-sari store ni Donna Rose Gang nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawan.

Nagtungo si Calubayan sa bahay ni Gang upang sabihin ditong uuwi na siya.

Subalit, sinundan siya ng suspek at pinagsasaksak. Binunot ng biktima ang kanyang service firearm at binaril ang suspek sa tiyan.

Dinala ang biktima sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City kung saan siya idineklarang patay.

Sinisilip ng mga pulis ang selos bilang motibo sa pagpaslang.

Kapwa umano nililigawan ng biktima at ng suspek, na naaresto, si Gang. RNT/SA