Home NATIONWIDE Paratang ni Leviste sa minimum wage bicam report, pinabulaanan ni Recto

Paratang ni Leviste sa minimum wage bicam report, pinabulaanan ni Recto

89
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Executive Secretary Ralph Recto ang paratang ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may tawag umano siya na nakaapekto sa hindi pag-apruba ng bicameral conference committee report para sa umento ng minimum wage.

Sa pahayag noong Linggo, mariing sinabi ni Recto: “Not true. He should pay what he owes govt. 24B.”

Nauna rito, sinabi ni Leviste na may umano’y impormasyon mula sa Senado na may kinalaman si Recto sa naging desisyon ng Kongreso sa usapin ng wage hike.

Ayon sa kanya, nagkakaroon ng tensyon sa huling araw ng 19th Congress dahil hindi naaprubahan ang bicam report matapos umanong may pagtutol mula sa executive branch.

Binigyang-diin din ni Leviste ang pagkakaiba ng panukala ng dalawang kapulungan—P200 daily increase mula sa House at kalahati lamang nito mula sa Senado—na nauwi sa hindi pagkakasundo.

Nauna ring nabanggit ang usapin ng hiwalay na kontrobersya kaugnay ng Department of Energy na nagpataw umano ng P24 bilyong multa sa kumpanyang Solar Philippines na itinayo ni Leviste.

Dagdag pa niya, may implikasyon din umano ang isyu sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, na aniya ay nakaapekto sa agenda discussions sa Senado.

Mariin namang iginiit ng kampo ni Recto na walang katotohanan ang mga paratang at hindi nito dapat isinisisi ang executive branch sa naging desisyon ng Kongreso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here