Home METRO Parlor staff todas sa pamamaril, alitan sa droga pinagmulan

Parlor staff todas sa pamamaril, alitan sa droga pinagmulan

242
0

CAVITE, Philippines – Isang trabahador sa parlor ang pinagbabaril at napatay ng isang rider dahil umano sa awayan sa droga sa Tanza Cavite.

Sa report kinilala ang biktima na si alyas Joseph, binata, parlor staff at residente ng Pabahay 2000, Brgy Paradahan 2, Tanza.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas Dodong, binata, nakatira rin sa nasabing Brgy.

Sa ulat, bandang alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng isang computer shop ng nasabing lugar kung saan nagalalaro ang biktima nang pumasok ang suspek at kaagad na pinagbabaril na nagresulta sa kanyang kamatayan dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Matapos ang pamamaril ay sumakay ang suspek sa isang motorsiklong MIO Sporty at tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Napag alaman mula sa Isang saksi na may matagal ng alitan ang biktima at suspek na may kaugnayan umano sa droga.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa dinaanan ng suspek upang maaresto ito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here