Home METRO Parte ng alsadong bangkay lumutang sa ilog sa kasagsagan ng bagyong Enteng

Parte ng alsadong bangkay lumutang sa ilog sa kasagsagan ng bagyong Enteng

Bulacan – Isang alsadong parte ng katawan ng tao ang natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa kasagsagan ng bagyong Enteng sa lungsod ng Meycauayan.

Ayon sa impormasyong nakalap, ang nadiskubreng alsadong parte ng bangkay ay mula bewang hanggang hita na lamang.

Napag-alamang nadiskubre ang bangkay nitong hapon ng Martes, Setyembre 3, sa kasagsagan ng high tide at hagupit ng bagyong Enteng na nagpalakas ng alon sa naturang ilog sakop ng Brgy. Ubihan.

Sinasabing posibleng napadpad sa lugar ang bangkay at matagal nang palutang-lutang sa tubig kaya ito inagnas at nagkaputol-putol.

Habang sinusulat ito, inimbestigahan at naproseso na ng mga awtoridad ang bangkay. Dick Mirasol III