MANILA, Philippines- Arestado ang isang pasahero ng barko nang mahulihan ng pinaghihinalaang ipinagbabawal na droga at drug paraphernalia sa Port of Jordan, Guimaras ,ayon sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA).
Narekober mula sa pasahero ang isang pirasong canister na naglalaman ng hinihinalang high-grade kush at improvised cigarette pipe at lighter matapos dumaan sa passenger screening area.
Ayon sa PPA, galing ng Guimaras ang suspek at patungong Iloilo nang mabuking ang kanyang dala-dalang ipinagbabawal na droga.
Binitbit ang pasahero sa Jordan Police Station at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jocelyn Tabangcura-Domenden