MANILA, Philippines – Itinapon mula sa isang bus ang kahon na may lamang malakingh halaga ng hinihinalang shabu malapit sa border checkpoint sa Purok 2, Barangay Lacson, Calinan, Davao City nitong Miyerkules ng hapon, Mayo 29.
Nakabukas na ang kahon nang madiskubre ng mga pulis at sundalo. Naglalaman ito ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P14.4 milyon.
Ayon sa Davao City Police, ang kahon ay mula sa isa sa mga pasahero ng bus na dumaan sa mandatory inspection sa checkpoint ng Task Force Davao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinababa ang lahat ng mga pasahero ng bus na galing sa Northern Mindanao para dumaan sa screening section.
Isang lalaking sakay ng bus ang nagtapon ng kahon at sa halip na dumaan sa inspeksyon ay nakatakas din ito.
Agad na nagsagawa ng hot pursuit operations ang pulisya para tugisin ang suspek pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nahahanap. RNT/JGC